GUMMY BEAR

About My Self

 

Ako si Edmund Pangilinan Maglonzo kasalukuyang OFW at Online Entrepreneur. Bago ako naging OFW marami na din akong naging trabaho in fact marami akong tinapos na pag aaral although Vocational ito. Ako ay biniyayaang magkaroon ng dalawang anak sa aking asawa na si Lydia B. Maglonzo.

Nagtapos ako Elementary sa Manuel L. Quezon sa Perla St.Tondo, Manila, sa Tondo High School naman noong Secondary ka schoolmate ko si Yorme Isko Moreno pero di kami na pag abot ahead sya sakin ng 4yrs. Nag college ako sa Unineversity of the East ngunit dala ng kahirapan 1st year lang ang naabot ko. Nag aaral din ako sa Don Bosco Training Center sa Tundo at natapos ko ang kursong General Machine Shop,TESDA natapos ko ang SMAW NCII at GMAWII Welding, and Houskeeping NCII.

Sa aking mga natapos na kurso sa Vocational hindi ko nagamit sa trabaho ang karamihan dito, siguro nga dala ng mga barkada or di ko talaga linya ang mga tinapos ko at may hinahanap ako na fit sa aking pagkatao at magiging masaya ako. Marami akong naging trabaho na di tugma sa mga tinapos ko.

Nag trabaho ako bilang Machine Operator sa Universal Robina Corporation, Money Lending sa isang mayamang tao sa Tundo, Construction Worker, Security Guard, Housekeeping sa Philippine Arena, Manila City Hall noong panahon ni Mayor Alfredo S. Lim (RIP), at ngayon OFW dito sa Saudi Arabia.

Ito pala ang dahilan kung baket hindi ako ma stable sa isang trabaho, ito pala ang gusto ko maging isang Entrepreneur sa Online Industry and soon maka uwi na sa Pinas for good.

Masaya ako na kumikita sa aking ginagawa at nakatutulong pa sa aking kapwa na gusto rin maging Online Entrepreneur.

Naniniwala ako na hindi pa huli ang lahat sa ating buhay. Kung mayroon kang pangarap kailangan simulan mo na kaagad. Ang Pangarap na walang aksiyon ay mananatiling Pangarap na lang.

First of all God and everything will follow according to His will.😊

  

Comments